Monday, October 11, 2010

...Ang mga ninja...


sila'y sinanay upang maging malakas
pati ang mga porma nila'y naging matikas
sa paglipas ng panahon ng pakikipaglaban
lahat ng naging pagsubok kanilang napaghandaan

sa huling pagsubok na kanilang tatahakin
bakit ang sariling kaibigan ang kailangan lipulin
nagawa sa akin ang kanilang patumbahin
upang kanilang makamit ang sariling hangarin

mga kaibigan kong ninja kayo'y magingat
sa aking pagtayo'y inyong abangan
wala naman akong nais gawin
pero ang pagiging magkakaibigan ay mahihirapan ibalik

tatapusin ko ang inyong mga kahangalan
kahit sa kahinaan ng aking katawan
matapos lamang inyong kasamaan
at wala na kayong kaibigan na muling iiwan.



No comments:

Post a Comment